Manila, Philippines – Bumuo na ang Department of Justice ngpanel na mag-iimbestiga sa pinasok na kasunduan ng Bureau of Corrections atkompanyang TADECO o Tagum Agricultural Development Company Inc. na mag-aari ngpamilya ni Davao Del Norte Rep. Antonio Floreindo Jr.
Pamumunuan ang fact-finding committee ni Chief StateCounsel Ricardo Paras kasunod na rin ng hiling ni House Speaker PantaleonAlvarez.
Giit ni Alvarez na labag sa batas ang pagpaparenta ngnasa 5,300 ektaryang bahagi ng davao penal colony sa TADECO.
Una rito, kinasuhan ng graft ni Alvarez ang mataliknitong kaibigan na si floreindo sa ombudsman dahil sa alegasyong pumasok ito satransaksyon kahit isa na itong ‘elected official’.
Sa reklamo ni Alvarez, nang pumasok sa kasunduan si Floreindopara palawigin ang renta ng 25 taon sa DAPECOL ay isa na itong kongresista ng DavaoDel Norte.
Sina Alvarez at Floreindo ay kapwa kaibigan ni PangulongRodrigo Duterte.
Giit ni Floreindo, nagsimula ang galit sa kanya ni Alvareznang maniwala ito sa mga alegasyong siya ang pasimuno ng pagtatangkangpatalsikin siya sa puwesto bilang House Speaker, bagay na mariing itinatanggini nito.
Panel na mag-iimbestiga sa kasunduang p inasok ng BUCOR at TADECO – binuo ng DOJ
Facebook Comments