Panel of expert ng FDA para sa Emergency Use Authorization ng anti-COVID-19 vaccine, buo na

Buo na ang panel of expert ng Food and Drug Administration para sa nakatakdang pagbili ng pamahalaan ng anti-COVID-19 vaccine.

Sa interview ng RMN Manila kay FDA Director General Dr. Eric Domingo, ang kanilang panel of expert ay mula sa iba’t ibang grupo na dalubhasa sa infectious diseases at bakuna sa bansa.

Tututukan aniya ng mga ito ang pagsusuri sa mga candidate vaccine na mag-a-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) sa bansa.


Inaasahan ng FDA na ngayong katapusan ng Disyembre ay marami nang kompanya ang mag-aapply para sa EUA ng anti-COVID-19 vaccine.

Sa pamamagitan nito, mapapabilis ang proseso sa pagbili ng Pilipinas ng anti-COVID-19 vaccine lalo pa’t binigyan na ng EUA ng ibang bansa ang bakuna ng Pfizer na gawa ng US, gayundin ang Sinovac at Sinopharm ng China.

Batay sa report, gagamitin na ng United Kingdom ang bakuna ng Pfizer para sa kanilang mass vaccination habang ang Sinovac at Sinopharm naman ay ginamit na umano ng China sa kanilang military.

Facebook Comments