Panel of prosecutors na hahawak sa kaso ng mga naarestong Maute Terrorist Group, pinangalanan na ng Department of Justice

Manila, Philippines – Pinangalanan na ng Department of Justice ang panel of prosecutors na hahawak sa kaso ng mga naarestong Maute Terrorist Group na naghahasik ng gulo ngayon sa Marawi City.

Base sa revised designation of personnel order ng DOJ, magiging pinuno ng lupon si Deputy City Prosecutor Celso M. Sarsaba, ang OIC ng Iligan City.

Habang miyebro naman sina Asst. City Prosecutor Abdullah D. Macagaan, OCP ng Cagayan De Oro City at si Asst. Provincial Prosecutor Gerald Cecilio P. Roa ng Misamis Oriental.


Kasunod na rin ito ng voluntary inhibition ni OIC Provincial Prosecutor Mangontawar Gubat bilang pinuno ng komite.

Wala namang nabanggit ang DOJ tungkol sa dahilan ng pag-inhibit ni prosecutor Gubat sa nasabing kaso.

Facebook Comments