Manila, Philippines – Maliban sa pagtatalaga ng panel of prosecutors, nagtalaga din ang Department of Justice ng augmentation o mga piskal na aasiste sa lupon na hahawak at mag-iimbestiga sa patong patong na kasong kinakaharap ng Maute Terrorist Group.
Base sa Department order ng DOJ nagtalaga sila ng mga piskal mula Cagayan de Oro at Misamis Oriental na tutulong sa binuo nilang panel of prosecutors.
Kabilang dito sina:
Asst. City Prosecutor Alfonso Vicente (CDO);
Asst. City Prosecutor Louie Borja (CDO);
Asst. City Prosecutor Ansharey Lalia (CDO);
Asst. Provincial Prosecutor Lito Sanchez (Misamis Oriental);
At Asst. Provincial Prosecutor Tadeo Polestico (Misamis Oriental)
Ang mga ito ang aayuda sa panel na binubuo nila;
Deputy city Prosecutor Celso Sarsaba, Asst. City Prosecutor Abdullah Macagaan at Asst. Provincial Prosecutor Gerald Cecilio Roa.