PANELCO I, KINONDENA ANG PANANAKIT SA ISANG LINEMAN HABANG SINISIKAP NA MABILIS MAIBALIK ANG SUPLAY NG KURYENTE

Kinondena ng pamunuan ng Pangasinan Electric Cooperative 1 ang nangyaring pananakit sa isa nilang lineman habang gumagawa ng report sa mga nasirang poste sa Brgy.Batiarao, Anda, Pangasinan.

Ayon sa tanggapan, sinuntok sa batok ang biktimang lineman na nakaupo sa sasakyan habang naglilista ng pole number.

Dahil sa insidente, nagdulot pa umano ng pagka-antala sa pagbabalik ng suplay ng kuryente sa lugar ,dahil sa halip na igugol ang oras sa trabaho, nabawasan pa umano ang personnel na tatrabaho sa pinsala.

Desidido ang tanggapan na magsampa ng legal na aksyon para sa proteksyon ng kanilang tauhan.

Matapos ang insidente, panawagan ng PANELCO 1 ang kooperasyon ng publiko sa pagpapakita ng respeto sa mga linemen at crew para maibalik na ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments