Hindi pinalampas ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo ang naging banat sa kanIya ni UP director for Maritime Affairs and Law of the Sea Atty Jay Batongbacal na huwag ng magsalita patungkol sa foreign policy.
Nag-ugat ang lahat nang sabihin ni Batongbacal na hindi concern ang Pilipinas sa umanoy pangha- harass ng isang Chinese vessel sa isang Greek-owned vessel sa West Philippine Sea na nagkataong ang kapitan nito ay isang Pilipino.
Ayon kay Panelo hindi nakikita ni Batongbacal ang dynamics sa ground at nakapaloob lamang ang pang- unawa nito sa mga teyorya na natutuhan nito sa kanyang libro.
Sinabi ni Panelo kung ipo-protesta ang naturang insidente ay tiyak na malalagay sa balag ng alanganin ang may 400,000 marinong Pilipino.
Pag-bibigay diin ni Panelo, walang kinalaman sa pangyayari ang Philippine Sovereignty sa kung anuman ang nangyari at ang mga sangkot sa umano ay harassment ay sa pagitan lamang ng mga nadadawit na vessel kabilang dito ang Greek vessel na nagkataong ang kapitan ay isang Pinoy.
Payo ni Panelo kay Batongbacal, mas maiging sa klase na lang nito ilabas ang anomang nalalaman sa naturang usapin.