Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi muna magdedeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte sa Negros Oriental sa kabila ng mga patayan dito nitong Hulyo.
Ayon kay Panelo, tinanong niya si Duterte nitong Martes tungkol sa sitwasyon ng Negros.
“I asked him last night about Negros and said, ‘You and I are lawyers. We cannot just impose martial law unless the requirements are there,” ani Panelo.
“Martial law will only be enforced in accordance with the Constitution… In the Constitution, there has to be rebellion,” dagdag niya.
Inutos naman ng Pangulo na mag-deploy ng 300 na Special Action Force troops upang tulungan ang mga pulis sa Negros.
Unang nagpahiwatig ang Pangulo na magdedeklara ng batas militar sa Negros dahil sa naitalang 21 katao na namatay sa probinsya mula Hulyo 18 hanggang 27.
Kasama sa mga nasawi ay ang kapitan ng barangay, konsehala, dating mayor, abogado at isang taong gulang na bata.
Hinala naman ng Palasyo na New People’s Army ang nasa likod ng patayan dito.