Panelo, hindi magso-sorry kay VP Robredo kasunod ng komentaryo nito sa mga pasaring ng kampo ng pangalawang pangulo

Nanindigan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi siya nagpapakalat ng fake news.

Kasunod ito ng binitawan niyang alegasyon na sumakay ang bise presidente sa isang C-130 patungo sa Catanduanes.

Una nang nag-sorry si Panelo matapos makumpirmang mali ang nakarating sa kanyang impormasyon at ginamit lang ang military aircraft para maghatid ng relief goods sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.


Gayunman, nanindigan ni Panelo na hindi siya magso-sorry sa kanyang naging komentaryo hinggil sa mga pasaring ng kampo ng bise presidente na tila nagkukumpara sa kanya at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“He called my attention, dahil daw I was spreading lies. Mali nga siya do’n e. I was reacting on, itong information half correct, okay? Nag-a-apologize lang ako doon sa wrong info na nabasa ko a, but I’m not apologizing doon sa mga komentaryo ko na in time will do something na nagdi-distribute siya ng relief goods, na tumutulong ka, parang pinapakita mo… may mga komentaryo siya, may mga pasaring siya, yung kampo niya na ikinukumpara si Presidente sa kanya na sinasabing habang nagdi-distribute siya ng relief goods si Presidente, nando’n lang,” paliwanag ni Panelo.

Giit pa ni Panelo, hindi dapat pinalalabas ni Robredo na hindi siya humihingi o tinutulungan ng gobyerno.

Aniya, welcome ang bise presidente na gamitin ang government-owned plane para sa relief efforts.

“Nagko-complain sila, tumulong na nga… hindi, okay nga yung ginawa mo e. pinapakita nga dyan na kung yung nag-request ng carrying ng relief goods nakisabay ka, e one of your staff o kung sinuman, so ibig sabihin, welcome ka. Kahit sino, tinutulungan at pwedeng gamitin yung aircraft” ani Panelo.

“Unang-una, sa ating lahat yan. Sa mga Pilipino ‘yang government resources. Walang nagmamay-ari niyan kundi yung mga nagbabayad ng buwis,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, wala pang natatanggap na tugon si Panelo mula kay Robredo matapos ang kanyang apology.

Humingi na rin ng paumanhin sa bise presidente si Defense Seceretary Delfin Lorenzana dahil sa pagkokomento sa maling ulat na naiparating din sa kanya.

Facebook Comments