Panelo, inamin na dalawang beses nakipagkita sa kanya sa Malakanyang ang Pamilya ni Ex-Mayor Antonio Sanchez

191

Inamin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dalawang beses na dumulog sa kanyang tanggapan sa Malakanyang ang pamilya ng kanyang dating kliyente na si convicted rapist-killer Antonio Sanchez.

Batay sa security logbook ng New Executive Building ng Malakanyang, February 7 dakong 10:33am nang magtungo sa kanyang tanggapan si Elvira Sanchez, isang araw matapos na mag-email ang anak nilang si Marie Antonelvie hinggil sa kaso ng kanilang ama.


Isa pang logbook ang nagsasabi na Feb. 26 dakong 10:12 a.m. nang muling bumisita sa opisina ni Panelo si Ginang Sanchez kasama ang kanilang anak.

Kinumpirma rin ni Panelo na ang sulat ng pamilya Sanchez ay naglalaman ng kahilingan nila kay Pangulong Duterte, sa kanya at kay noo’y Special Assistant to the President at ngayon ay Sen. Christopher “Bong” Go hinggil sa kahilingang pardon ng dating alkalde.

Gayunman, standard operating procedure aniya sa Office of the Chief Presidential Legal Counsel na i-refer ang mga sulat na kanilang tanggapan sa kinauukulang departamento.

Sinabi pa ni Panelo na Hindi na rin niya pinaabot sa pangulo at kay Go ang hinggil sa nilalaman ng sulat.

Facebook Comments

From Advertisers