Ire-rekomenda ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag aralan ang pwedeng gawing pagbabago sa terms and conditions ng pagrenta ng mga ayala sa bahagi ng lupa ng University of the Philippines o ang ayala technohub sa Quezon City.
Batay kasi sa mga pag-aaral lumalabas na malaki ang lugi ng gobyerno sa kontratang ito .
Sa datos, nasa bente pesos lamang kada metro kwadrado ang renta ng mga ayala sa lupa sa UP sa loob ng 25 taon.
Gayunman, sa inilabas na pahayag ng mga ayala kahapon, pinabulaanan nila ito at sinabing hindi ito totoo dahil P171 per square meter ang kanilang rento dito.
Magkagayunman, sinabi ni panelo na malaking halaga pa rin ang lugi rito ng gobyerno, dahil batay sa mga nakausap nyang mga negosyante, mayroon sa mga ito ang nagbabayad ng mula P200 hanggang P500 kada metro kwadrado.
Ayon kay Panelo, kung totoo ito sigurado aniyang may problema sa kontratang pinasok sa pagitan ng dating gobyerno at ng mga ayala na kinakailangang mabusisi nang husto.
Paliwanag pa ni Panelo na ngayong araw ay magkakausap sila ni Pangulong Duterte at kanyang ilalahad ang natuklasang anumalya sa renta ng lupa ng mga Ayala.
Matatandaang ilang ulit naging paksa sa talumpati ng Pangulo ang pagkadismaya nito sa serbisyo ng 2 water concessionaires kabilang ang Manila water ng mga Ayala dahil ginagawa nilang gatasan ng pera ang pamahalaan at ang sambayanang Filipino dahil sa disadvantageous o hindi kapaki-pakinabang na kontrata.