Panelo, itinangging idinawit sa Hidilyn Diaz sa ouster plot at drug list

Maariing pinabulaanan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na idinawit niya si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa umano’y drug list.

Isinisisi ni Panelo ang media na naglabas ng mga balita na kabilang ang Pinay athlete sa mga destabilizers.

“In fact, when reporters noted the name of Ms. Diaz in the matrix two years ago and hastily concluded that the government is declaring her to be part of an ouster plot against the President, I immediately issued a statement averring otherwise,” sabi ni Panelo.


Sinabi ni Panelo na inilagay si Diaz sa diagram dahil sinusundan siya sa social media ng isang nagngangalang Rodel Jayme na konektado sa pag-upload ng video: “Ang Totoong Narcolist”

Tinawag ni Panelo na fake news ang social media card na kabilang si Diaz sa drug list ng pamahalaan.

“This representation slams this material, which is being circulated in social media channels and group chats, as fake news. I never said that Ms. Diaz is not entitled to drugs just because she is a sports medalist. Neither did I aver that she was part of a drug list,” ani Panelo.

Dismayado rin si Panelo na may ilang “makasariling” tao na hinahaluan ng pulitika ang tagumpay ni Diaz.

Sa ngayon, todo-papuri lamang si Panelo kay Diaz.

Facebook Comments