Panelo nalungkot sa hindi pagkakapasa ni Yasay sa CA

33
 
Manila, Philippines – Ikinalungkot ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ang pag-reject ng makapangyarihang Commission on Appointments kay Foreign Affairs Secretary Perfector Yasay.
Ayon kay Panelo, personal na kaibigan niya si Yasay dahil kaklase niya ito sa UP College of Law pero wala naman siyang magagawa kung ito ang naging desisyon ng CA.

Sinabi din ni Panelo na ang narinig niyang pangalan noon na matagal nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalagay sa Department of Foreign Affairs ay si Senator Allan Peter Cayetano.

Wala din naman aniya siyang alam na ibang pangalan na posibleng pumalit ngayon kay Yasay pero mayroon naman aniyang tatayong OIC sa DFA.

Matatandaan na hindi maaaring italaga ni pangulong Duterte ngayon si Cayetano bilang DFA secretary dahil umiiral parin ang election Appointment Ban.

Facebook Comments