Nanawagan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga alkalde sa Metro Manila gumawa ng aksyon para sa sitwasyon ng mga street dwellers.
Ang mga walang tirahan at mga nalilimos ay makikita pa rin sa ilang bahagi ng Metro Manila kung saan nakadepende lamang sa tulong ng mga dumaraan.
Ayon kay Panelo, maaring bumuo ng task force ang mga local government units para maialis ang mga ito sa mga kalsada at bigyan sila ng tulong.
“We are calling out the mayors dito sa Metro Manila….Marami diyan namamalimos, nagkalat. Natutulog diyan sa sidewalk. Bakit ‘di natin magawaan ng paraan yan,” sabi ni Panelo sa kanyang programang Counterpoint.
Responsibilidad ng mga alkalde na tulungan ang mga nanlilimos sa kalsada kahit nagsasagawa ng assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanila.
“Yung mga namamalimos ang lalaki ng mga katawan. Kinakaladkad pa yung mga bata, ‘yung mga baby nila hawak-hawak pa. Naku talaga naman. Ano na ba nangyari sa panawagan natin sa local government units? Abay damptuin ninyo at ilagay ninyo sa tamang kalalagyan nila, itong nagpapalimos sa kalsada,” ani Panelo.
Nababahala rin si Panelo dahil ang mga street dwellers ay vulnerable ngayong pandemya at takaw sila sa aksidente.
Una nang nanawagan ang DSWD sa publiko na huwang bigyan ng limos ang mga street beggars sa gitna ng mga hakbang ng gobyerno na ayusin ang problema.
Ang DSWD ay may programa para sa pagbibigay ng tulong ay matitirhan para sa kanila.