Panelo: Oust Duterte rally, “wishful thinking” lang

280

Tinawag na ‘wishful thingking’ ng Malacañang ang isinagawang kilos-protesta ng ilang grupo sa People Power Monument sa Quezon City.

Ito ay makaraang tila langawin ang rally ng mga grupong nanawagang patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.


Kabilang sa mga nagkilos protesta ang mga miyembro ng kilusan kontra tsina, Oust Duterte Movement, bunyog and confederation against federalism flocked to the people.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman masama kung susubukang muli ng mga ito na magsagawa ng oust Duterte rally.

Pero kumpiyansa aniya siya na hindi magtatagumpay ang sinuman na pabagsakin ang Pangulo.

Samantala, blanko si Panelo sa dahilan ng hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa anibersaryo ng People Power sa Martes, February 25.

Nabatid na simula nang maupo sa puwesto noong 2016, hindi pa kailanman nakadalo ang Pangulo sa nasabing selebrasyon.

Facebook Comments