Panelo, paboritong pambato ni Pangulong Duterte sa pagkasenador

Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang potensyal na senatorial candidate para sa 2022 elections.

Sa kanyang public address, pinuri ni Pangulong Duterte si Panelo sa kanyang katalinuhan at maayos na work ethics.

Tinanong ni Pangulong Duterte si Panelo kung tatakbo ba siya.


“Now I’m sure that Atty. Panelo, Senator Panelo or Atty. Sec Panelo pala, my favorite candidate for senator. Tatakbo ka ba? Sabihin mo na para malaman ng tao. Mukha atang tatakbo,” anang Pangulong Duterte.

Sagot ni Panelo, mas gugustuhin niyang maglakad kaysa sa tumakbo papuntang Senado.

“Siguro lalakad na lang tayo papunta Senado para hindi tayo madapa. Lakad na lang, hindi takbo,” sagot ni Panelo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na si Panelo ay mahigpit at disiplinado pagdating sa trabaho.

Nagpapasalamat din si Pangulong Duterte sa legal opinions ni Panelo sa ilang mga isyu.

Facebook Comments