Umapela si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga barangay officials na iwasang mag-astang ‘hari-harian’ habang ipinapatupad ang health protocosl laban sa COVID-19 sa kanilang mga komunidad.
Ito ang pahayag ni Panelo kasunod ng pagkamatay ng dalawang quarantine violators habang ipinapatupad ng mga awtoridad ang mahigpit na lockdown protocols.
Ayon kay Panelo, hindi dapat ginagamit ng mga local officials ang sobrang pwersa sa pagpapatupad ng quarantine rules at pagpapataw ng matinding parusa sa mga violators.
Aniya, hindi gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang uri ng pang-aapi.
Napansin ni Panelo na may ilang local officials ang masyadong mahigpit na nagpapatupad ng curfew at iba pang quarantine rules.
Sa halip na gumamit ng pwersa, iminungkahi niya sa mga local officials na mag-deploy ng sound vehicles na may loudspeakers para paalalahanan ang mga tao tungkol sa pagsunod sa health protocols.
Maaaring bumuo ang mga local officials ng grupo na maaring umikot sa mga komunidad na may dalang public address system.