Panelo, pinayuhan ang ABS-CBN na magbayad ng buwis

May kakayahan naman ang ABS-CBN na magbayad ng tax obligations nito kung nais nilang magbalik on-air.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Telecommunications Commission (NTC) na huwag bigyan ng license-to-operate ang media network kung hindi magbabayad ng buwis.

Bilang isang friendly advise, sinabi ni Panelo na dapat magbayad ang ABS-CBN lalo na at marami ang kinita nito sa mga nagdaang taon.


Aniya, kikitain din naman nila ang perang ipambabayad nila sa buwis.

Iginiit ni Panelo na may awtorisasyon si Pangulong Duterte na ipatupad ang mga batas, kabilang ang tax regulations, kahit mabigyan pa ang network ng bagong prangkisa.

Una nang sinabi ng Malacañang na ipapaubaya na nila sa Ombudsman ang pag-review sa graft allegations laban sa network.

Facebook Comments