Panelo, pinayuhan si VP Leni na iwasang i-broadcast ang kanyag typhoon relief operations

1042

Hinimok ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Vice President Leni Robredo na iwasang i-broadcast ang kanyang typhoon relief operations at sa halip ay ang mga natulungan ang magpakalat nito.

Ayon kay Panelo, mas makabubuti na gawin ang kabutihang gawa na walang publicity.


Inakusahan din ni Panelo ang Bise Presidente na pinupulitika ang relief operations at pinapalabas na siya lang ang government officials ang nagtatrabaho at tumutugon noong kalamidad.

Una nang humingi ng patawad si Panel okay Robredo matapos mag-react sa isang maling report na sumakay siya sa isang government plane para sa kanyang relief efforts sa Catanduanes.

Facebook Comments