Panelo sa Dacera camp: “Ano ba’ng katarungang hinahanap niyo?”

Pinagsabihan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang kampo ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera na itigil na ang paghahanap ng hustisya.

Ito ang pahayag ni Panelo matapos kwestyunin ng pamilya Dacera ang report ng Philippine National Police (PNP) na namatay si Christine sa ‘natural causes.’

Sa programang Counterpoint, iginiit ni Panelo na walang nangyaring foul play sa pagkamatay ng dalaga.


Aniya, walang krimeng nangyari kay Christine at marami nang taong nasaktan sa magkabilang panig.

Tanong ni Panelo sa pamilya Dacera at sa kanilang abogado na si Atty. Brick Reyes na ano pa bang hustisya ang kanilang hinahanap.

Pinayuhan din ni Panelo si Reyes na ayusin ang kanyang trabaho.

“Ikaw (Reyes) naman, meron kang sinumpaan. Hindi lang tayo mga abogado mang-uusig. Ang pinaka tungkulin natin ay magbigyan tayo ng katarungan. Ano ba’ng katarungang hinahanap mo?” sabi ni Panelo.

“Bakit niyo ipagpipilitan na may krimen kung wala naman? Ano’ng katarungan?” dagdag pa ng Palace Official.

Dapat aniyang tanggapin ng pamilya Dacera ang report ng PNP maliban na lamang kung mayroong ibang agenda ang kanilang kampo.

Alam ni Panelo ang detalye ng kaso pero tumanggi siyang ibunyag nito.

Facebook Comments