Panelo, tinanong ang PNP kung ginagamit ng mga pulis ang body cameras

Nasaan ang body cameras ng mga pulis?

Ito ang tanong ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kasunod ng pagkamatay ng mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa bayan ng Paniqui, Tarlac sa kamay ng isang pulis na si Staff Sergeant Jonel Nuezca.

Sa kanyang programang “Counterpoint,” iginiit ni Panelo na ang body camera ay nagsisilbing proteksyon ng publiko at ng pulis.


Makakatulong aniya ito na i-monitor ang operasyon at raid ng mga pulis.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagtatanong sa paggamit ng body cameras.

Kakausapin niya si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas hinggil dito.

Pero sinabi rin ni Panelo na mabuti ring may mga taong kumuha ng videos ni Nuezca sa insidente dahil maaari niyang manipulahin o gumawa ng istorya sa kanyang ginawa.

Inaprubahan na rin ng Kongreso ang 334 million pesos na budget para sa pagbili ng body cameras, kung saan ginawaran ang isang contractor nitong nakaraang taon.

Facebook Comments