Panfilo Lacson ‘heartbroken’ sa reaksyon ni Duterte kaugnay ng ‘Recto Bank collision’

Image via Facebook/Ping Lacson
‘Brokenhearted’ si Senador Panfilo Lacson sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na simpleng banggaan ng mga barko ang naganap sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Sa kanyang Twitter post, hindi napigilan ni Lacson ma-dismaya sa reaksyon ni Duterte ukol sa ‘hit and run’.

“The president broke his silence and left us heartbroken,” sabi ni Lacson.

Aniya, sana pinag-aralan ni Duterte ang iba pang options bago sumuko.

“He forgot to explore all resources available before exercising his last option of surrender. The MDT is one yet untapped weapon.”

Paglilinaw ng dating PNP Chief, hindi niya sinasabing sumabak sa giyera ang bansa pero dapat iparamdam sa China ang ‘balance of power’ sa West Philippine Sea.

Maaring ikonsidera ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa nangyaring salpukan sa Recto Bank.

“I am not suggesting WW3 but at least it can make China feel the balance of power in the WPS.”

Sa talumpati ni Duterte sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy, sinabi nitong “simple maritime incident” ang nangyari sa Recto Bank.

Hinikayat niya rin ang madla na huwag agad maniniwala sa mga mambabatas na pinipilit papuntahin ang Philippine Navy sa pinangyarihan ng “simpleng bangaan.”

“Wag kayong maniwala diyan sa mga politiko, bobo, gusto papuntahin ‘yung Navy… Banggaan lang ng barko ‘yan. Do not make it worse,” sagot ni Duterte.

Facebook Comments