PANG 12 NA NASAWI SA COVID-19 SA CAGAYAN VALLEY, NAITALA SA TUGUEGARAO CITY

Cauayan City, Isabela- Umakyat sa 12 ang naitalang casualty sa COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.

Ito ang kinumpirma ngayong araw ni Dr. Glenn Mathew Baggao, chief ng CVMC na si CV 988 na mula sa Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan ay pumanaw dahil sa komplikasyon dulot ng COVID-19.

Ang 58 taong gulang na lalaki ay may karamdaman sa puso at hypertension ayon sa datos ng DOH.


Facebook Comments