Pang-aabuso sa mga manggagawa ng lehitimong service contractors sa bansa, tinututukan ng DOLE!

Umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa samahan ng mga lehitimong service contractors sa bansa na pairalin ang malasakit sa mga manggagawa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma na hindi palaging kontraktwalisasyon kundi pang-aabuso ng ibang employer ang nakikita nilang problema kaya may mga manggagawa pa ring hindi nare-regular sa kanilang trabaho.

Paliwanag ng kalihim, kinikilala sa ilalim ng Labor Code ang mga lehitimong contracting arrangement pero mainam pa rin sa mga kumpanya kung boluntaryo nilang ire-regular ang matatagal na nilang mga empleyado.


Facebook Comments