Pang-aabuso umano ni Abueva sa mag-iina nito, hindi kukunsintehin ng Phoenix

Tinuligsa ng pamunuan ng Phoenix Fuel Masters ang umano’y pang-aabusong ginagawa ni Calvin Abueva sa kanyang pamilya.

Ayon sa Phoenix management – ang naturang mga gawain ay walang puwang sa kanilang organisasyon.

Tinututukan nila ang development sa mga akusasyon ng asawa ni Abueva na si Sam at kanila ring ikinokonsiderang magsampa rin ng reklamo laban kay Abueva.


Matatadaang isiniwalat ng misis ng suspended PBA player ang aniya’y pananakit sa kanya at sa kanilang apat na mga anak, maliban pa sa pangangaliwa umano nito.

Una nang itinanggi ni Abueva ang mga alegasyon.

Facebook Comments