PANG-BAYAD LANG | Christmas bonus at P5,000 cash gift sa mga guro, pambayad-utang lang

Manila, Philippines – Pambayad utang lang daw ang Christmas Bonus at P5,000 cash gift ayon sa grupo ng mga guro.

Sa pulong balitaan kanina sa Quezon City, sinabi ng grupo na hindi mababago ng bonus ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sa halip, umapela ang mga guro na ipako na lang sa P30,000 ang monthly salary ng mga teacher 1 mula sa kasalukuyang P21,500.


Halos kalahati raw kasi sa sinasahod ngayon ng mga guro ay napupunta lang sa mga kaltas.

Ipinanawagan din ng grupo na dapat itaas sa P16,000 ang salary grade 1 ng mga kawani ng pamahalaan mula sa halos P10,000 sahod lang kada buwan.

Sa November 29, magsasagawa ng “sit down strike” ang ilang guro para i-protesta ang anila’y napapabayaan nang sitwasyon ng mga teacher.

Facebook Comments