Pang-bobomba sa Cathedral sa Jolo, Sulu, Kinondena ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua

Manila, Philippines – Nakikiramay si Chinese Ambassador Zhao Jiunhua sa mga pamilya ng mga namatay na biktima ng pambobomba sa simbahan sa Jolo, Sulu.

Sa kanyang talumpati sa ika-118 Anibersaryo ng Manila Police District, mariing kinondena ni Ambassador Zhao ang karahasan na kumitil sa maraming katao na pawang nagsisimba.

Tinawag ng ambassador na barbaric ang naganap sa Jolo.


Nanindigan aniya ang China sa mga Filipino at sa Administrasyong Duterte sa pagsuporta sa kapayapaan.

Kinokondena aniya ng China ang violence at patuloy na sinusuportahan ang peace process at pakikiisa sa Economic and Social Development sa Mindanao.

Kasunod nito, pinapurihan ng ambassador ang kagitingan ng mga miyembro ng MPD.

Aniya sa nakalipas na 118 taon ay pinatunayan ng Manila police ang pagkakaroon ng disiplina, dedikasyon sa tungkulin at mapagtitiwalaan, dahilan kaya naging mapayapa at maayos na tirahan ang Lungsod ng Maynila.

Bago ito ay itinerover ng ambassador ang 50 unit ng electric vehicle sa Manila Police.

Ang Ambassador ay sinalubong ni Manila Mayor Joseph Estrada at MPD Director Chief Supt. Vicente Danao, Jr.

Facebook Comments