Pang. Duterte, hindi sang-ayon sa pagkakaroon ng civil war

Manila, Philippines – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong nasugatan sa pakikipagbakbakan sa Maute na nasa camp Brig/Gen. Edilberto Evangelista Station Hospital 4th Infantry Division sa Cagayan de Oro City.

Dito sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya sang-ayon sa isang communal o civil war.

Dagdag pa ng pangulo – ipaubaya nalamang muna sa militar at pulisya ang pagresolba sa mga kaguluhan.


Kasabay nito, pinarangalan ng Pangulong Duterte ang 79 na sundalo nasugatan sa labanan kung saan binigyan niya ang mga ito ng wounded personnel medal award.

Nagpasalamat din ang pangulo sa kanilang katapatan, pagsasakripisyo at kahandaang i-aalay ang kanilang buhay para sa kapayapaan ng bayan.
Photo from: Presidential Com.


Facebook Comments