Pang. Duterte, isinabatas ang pagbibigay ng buwanang Health Emergency Allowance para sa healthcare workers

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na gagarantiya sa matatanggap na benepisyo at allowances ng healthcare workers, pampubliko man o pribado, habang nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang bansa.

Sa bisa ng Republic Act No. 11712, mayroong matatanggap na buwanang Health Emergency Allowance ang healthcare workers sa ilalim ng public health emergency, depende sa kanilang risk of exposure.

P3, 000 para sa low risk, P6, 000 para sa medium risk, at P9, 000 para sa high risk.


Bukod pa ito sa mga benepisyo na una na nilang natatanggap.

Nakasaad rin sa batas na tatanggap ng P1 milyon na kompensasyon ang pamilya ng masasawing health worker dahil sa COVID-19.

P100, 000 naman para sa tatamaan ng severe case.

15, 000 para sa mild at moderate case.

Maging ang barangay health workers na kabilang sa Department of Health (DOH) National BHW Registry System at nakatalaga sa swabbing at vaccination sites, at nagbibigay ng medical assistance ay kikilalanin rin bilang healthcare workers.

Pirmado ng pangulo ang batas ika-27 ng Abril, 2022.

Facebook Comments