Pang. Duterte, nilagdaan ang EO 147 na nagpapalawig sa termino ng Boracay Inter- Agency Task Force

316

Muling pinalawig ang termino ng Boracay Inter- Agency Task Force (BIATF).

Ito ay sa pamamagitan ng Executive Order No. 147 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon sa EO, tatagal ang termino ng Boracay Inter- Agency Task Force hanggang June 30, 2022.

Layon ng extension na matiyak na matatapos ang nalalabing proyekto o milestones projects sa ilalim ng Boracay Action Plan.

Una nang umapela si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ng extension dahil sa nakabinbing Boracay Island Development Authority (BIDA) sa Kongreso.

Matatandaang binuo ang Boracay Inter- Agency Task Force upang pangasiwaan ang Boracay rehabilitation na nag-umpisa noong 2018.



Nakatakda sana itong magtapos noong May 2020 pero ito ay pinalawig hanggang May 2021 at ngayon ay tatagal ito hanggang June 30, 2022.

Facebook Comments