Pang. Duterte, pangungunahan ang araw ng kalayaan sa Lunes

Manila, Philippines – Pangungunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng araw ng kalayaan sa Rizal Park, sa Lunes, June 12.

Ayon kay National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante – ang tema ngayong taon ay ‘Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin’.

Makakasama aniya ng pangulo sa pagdiriwang si Vice President Leni Robredo at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.


Susundan naman ito ng vin d’honneur o wine of honor sa malakanyang sa tanghali habang sa hapon ay ang cultural show at parada ng parangal sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ito ang kauna-unahang flag raising ceremony ng pangulo sa ilalim ng kanyang administrasyon.
DZXL558

Facebook Comments