Pinapayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumasok ang bansa sa isang kasunduan na titiyak na hindi tayo mauubusan ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inaprubahan kasi ng Pangulo ang proposal ni Philippine vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na pumasok tayo sa advance market commitments sa ilang private vaccine developers at ang pagbibigay sa mga ito ng advance payments.
Sinabi ni Roque, noong una ayaw ito ng Presidente pero nang makita aniya nito ang listahan ng mga nag-a-advance payment, kalaunan ay pumayag na ito para hindi mangulelat ang Pilipinas.
Una nang sinabi ng Pangulo na kahit na ibenta nito ang mga ari-arian ng bansa, matiyak lamang na magkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 ang sambayanang Pilipino.
Kabilang sa mga unang mabibigyan ng bakuna ay ang mga frontliners, mga pulis at sundalo gayundin ang mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program).