Pang-Negosyong Puto Recipe

IMAGE: PANLASANG PINOY RECIPES

Naghahanap ng pwedeng mapagkakitaan sa murang halaga na tipid at madaling gawin? Narito ang paraan upang gumawa ng puto na pwedeng pang negosyo.

Ingredients:

  • 2 cups all-purpose flour
  • 1 cup ng Asukal
  • 1 1/4 Kutsara ng baking powder
  • 2 cups Tubig
  • 1 cup evaporated milk
  • 1 Katamtamang laki ng itlog
  • 1/4 cup unsalted butter, tunawin

 

PARAAN NG PAGLUTO:

  1. I-sift ang flour ,asukal at baking powder. Pansamantalang itabi.
  2. Haluin ang tubig,Gatas, itlog kasama ang tinunaw na butter sa isang bowl.
  3. Pagsaluhin ang dalawang ginawang mixture hanggang ito ay tuluyang magsama.
  4. Kumuha ng muffin tins o maaring mapaglagyan ng ginawang puto at isalin ang mixture,huwag pupunuin.
  5. Steam o pasingawang ng mga sampung minuto.
Facebook Comments