Manila, Philippines – Lalaking nagnakaw ng pang-noche buena sa isang convenience store, arestado sa Pasay City.
Kalaboso ang isang lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw sa isang convenience store sa Pasay City.
Sa kuha ng CCTV, nakitang may inilagay ang suspek sa loob ng kaniyang backpack kaya sinita siya ng janitor ng tindahan at ipinakausap sa kanilang supervisor.
Ayon kay Ruben Caduyac, supervisor ng Alfa Mart, aabot sa P2,000 halaga ng mga groceries ang muntik matangay ng suspek na nakilalang si Manolito Manabat.
Aniya, papatawarin na sana niya si Manabat pero tinangka pa nitong tumakas.
Nabatid na walang trabaho ang suspek na dati na ring nakulong dahil sa kasong pagnanakaw.
Facebook Comments