
Binigyang parangal ng Pangasinan Police Provincial Office (PANG PPO) ang mga Civil Disturbance Management (CDM) personnel kanina, alas-4 ng umaga, matapos ang kanilang deployment sa peaceful rally ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Pinuri ng PPPO ang mga CDM personnel sa kanilang maayos at matagumpay na pagpapatupad ng tungkulin, na nakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng lahat ng dumalo. Binanggit din ang kanilang pagpapakita ng maximum tolerance at respeto sa mga kalahok ng rally.
Ayon sa PANG PPO, ang mahusay na pagganap ng mga kawani ay patunay ng kanilang dedikasyon sa community engagement, pampublikong seguridad, at maayos na crowd management.
Patuloy na pinapalakas ng Pangasinan PPO ang kanilang operational readiness at ipinapakita ang kanilang integridad at dedikasyon sa paglilingkod at proteksyon sa mamamayan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









