Pang. Rodrigo Duterte, balak bumili ng armas sa South Korea

Bukod sa pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Commemorative Summit ngayong Nobyembre, target ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng armas sa South Korea.

 

Ayon sa pangulo, bibili din sya ng gamit ng militar sa naturang bansa.

 

Sa ASEAN commemorative summit, magkakaroon ng bilateral talks si Pang. Duterte sa lider ng South Korea para pagusapan ang usapin hinggil sa security matters lalo na alam ng pangulo ang pananaw ng Korea sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.


 

Bukod aniya sa bilateral talk sa South Korea, posibleng may mga makausap pa syang ibang lider ng ibang bansa habang nasa ASEAN summit.

Facebook Comments