PANG TATLONG BRGY. KAPITAN NA PINATAY SA CAGAYAN, INILIBING NA!

*Tuao, Cagayan* – Kasabay ng paglibing ay ang pagsigaw ng hustisya para sa sunod sunod na pagpaslang sa mga barangay kapitan ng Tuao, Cagayan.

Tila sumabay sa pakikipagdalamhati ang kalangitan sa bayan ng Tuao ngunit hindi napigilan ng patak ng ulan ang mga nagtatangis na kabarangay ni Captain Remigio “Bapu” De la Cruz.

Suot ang puting T shirt na may nakasulat na JUSTICE FOR KAP BAPU, ay sinugod ng mga nagmamahal na ,kaibigan, kasamahan at tagasuportang nakiramay sa pinaslang na kapitan ang ulan, para ihatid ito sa kanyang huling hantungan.


Si Brgy Captain Remigio “Bapu” De la Cruz ng Brgy Bugnay, Tuao, Cagayan ay pinagbabaril ng riding in tandem criminals noong September 13 taong kasalukuyan. Tinambangan si Kapitan Dela Cruz habang siya at papunta sa meeting ng mga barangay kapitan sa nabanggit bayan.

Si Dela Cruz ay ang pangatlong barangay kapitan na pinaslang sa Tuao. Matatandaan na noong May 27, 2019 ay pinaslang din sa kahalintulad na pamamaraan si Brgy. Kapitan Orlino Gannaban ng barangay Lallayug sa harap mismo ng kanilang Barangay Hall.

Sumunod na pinagbabaril ng di pa nakikilang riding in tandem criminals si kapitan Gregorio Cabigas ng Brgy. Nambacag sa kanyang bukirin sa bayan din ng Tuao.

Ayon sa ating mapagkakatiwalaang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, nauna nang nakatanggap ng pagbabanta ang tatlong kapitan na pawang kabilang sa mga grupong kritikal sa administrasyon ng Tuao, Cagayan.

Umaasa ang mga kasamahan ng mga pinatay na kapitan na mapansin ang kaso ng pamamaslang sa kanilang bayan at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Facebook Comments