Pang-unawa, hiling ng PNP sa mga kapatid na Muslim kasabay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha ngayong panahon ng COVID-19 Crisis

Ipinagpasalamat ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pakikiisa ng mga kasapi ng Muslim community sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha, sa harap nang patuloy na umiiral na health protocols.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, naiintindihan ng mga nasa Muslim community na hanggang ngayon ay may mga umiiral pa ring restrictions sa religious gatherings.

Sinabi ni Gamboa, ipinakikita ng mga kapatid na Muslim ang tunay na kahulugan ng Eid Al-Adha na malasakit at pagtutulungan.


Umaasa naman ang PNP na tuloy ang tulungan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano lalo na ngayong nahaharap sa pandemya ang bansa.

Kaisa aniya ang PNP sa nagdarasal para sa kapayapaan kahit pa magkakaiba ang kultura at paniniwala.

Ang Eid Al-Adha o Feast of the Sacrifice ay idineklarang holiday sa buong bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments