PANG-UNAWA SA PANSAMANTALANG ROAD CLOSURE SA STA. MARIA, APELA NG AWTORIDAD KASUNOD NG NALALAPIT NA MUSHROOM FESTIVAL

Apela ng lokal na pamahalaan ng Sta.Maria sa mga residente at bisita, ang pang-unawa sa ipinatupad na pansamantalang road closure upang bigyang-daan ang nalalapit na selebrasyon ng Mushroom Festival ngayong Pebrero.

Ito ay matapos ang mga katanungan at reklamo tungkol sa pagbabago ng trapiko sa bayan, na idinulot ng pagsasara ng ilang daan sa kahabaan ng kalsada sa Sta. Maria Public Market.

Ayon sa ilan, nagdudulot ng abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain ang pagsasara ng kalsada sa pamilihan dahilan kaya sa ibang lugar na lamang namimili.

Nilinaw ng tanggapan na ang mga temporary closures ay ginawa upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng mga nakalinyang aktibidad sa pagdiriwang ng kapistahan.

Mananatiling sarado ang kalsada hanggang matapos ang huling aktibidad sa Marso 3 kung saan aasahan na ang pagbabalik ng normal na daloy trapiko sa unang linggo ng naturang buwan.

Giit din na ang planong ito ay bunga ng masusing pagpaplano ng lokal na pamahalaan, kapulisan at festival organizers.

Kaugnay nito, mayroong mga nakapaskil na itinakdang alternatibong ruta para sa mga motorista. Pinayuhan din ang publiko na magplano nang maaga at sundin ang mga alternate routes sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments