Pangako ni PBBM sa education sector, labis na ikinatuwa ng DepEd chief

Screenshot from RTVMalacañang

Nagpasalamat si Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara sa pangako ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga guro at estudyante sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Aniya, kakaiba ang atensiyong ibinigay ni Pangulong Marcos sa isyung pang-edukasyon lalo na sa kaginhawaan ng mga guro at estudyante.

Panigurado aniyang marami ang maiaangat sa kahirapan ng bagong “scholarship program” ng pangulo sa kolehiyo.

Sa kanyang SONA, nangako si Marcos ng scholarship program sa mga graduating high school student na mayroong grado.

Pero wala pang ibinibigay ang pangulo na detalye kaugnay ng naturang programa.

Nangako rin ang pangulo na mabibigyan na ng internet access ang 12,000 public schools na wala pang internet connection.

Facebook Comments