Pangakong alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Isinulong ng Makabayan Bloc na imbestigahan ng Kamara ang inihayag ng China foreign ministry na mayroong pangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang hirit na pagdinig sa House Committee on Foreign Affairs ay nakapaloob sa House Resolution 1215.

Inihain ito nina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.


Layunin ng pagdinig na matukoy kung mayroong nag-traydor sa Pilipinas, na maaaring maka-kompromiso sa soberenya at teritoryo ng ating bansa.

Facebook Comments