Pangakong ayuda sa displaced workers sa ilalim ng Alert Level 3, pinamamadali sa DOLE ng TUCP

Pinamamadali ng TUCP o Trade Union Congress of the Philippines sa Department of Labor and Employment ang pagkakaloob ng ayuda sa displaced workers na naapektuhan ng Alert Level 3.

Ginawa ni TUCP Spokesperson Allan Tanjusay ang panawagan sa gitna na rin ng sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala ng pera ang gobyerno.

Panawagan ni Tanjusay, nawa’y mabigyan ng ayuda ang kahit man lamang mahigit sa kalahati ng naapektuhan ng alert level.


Giit niya, batay sa mga nakakarating sa kanilang reklamo, napakahirap sa mga manggagawa ang mag-apply sa ganitong ayuda dahil mismong mga employer ang nagpoproseso.

Napabagal din aniya ng distribution kung kaya inaabot ng anim na buwan bago matanggap ng beneficiaries.

Nariyan din aniya ang ‘tong’ sa ilang mga mga namimigay ng ayuda kung kaya hindi buo ang cash assistance na natatanggap ng mga apektadong manggagawa.

Facebook Comments