Manila, Philippines – Inaasahan ng hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na muling mababanggit ni Pangulong Rodrido Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA sa Lunes ang pangako nitong dodoblehin ang sweldo ng mga sundalo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na sila kung matutupad ito.
Matatandaang una nang ipinangako ng pangulo na pagpasok ng taong 2018 ay mado-doble ang sweldo ng mga sundalo.
Sa kabila naman nang pag-aabang ng mga sundalong ito nanatili ayon kay Arevalo ang mataas na morale ng mga ito dahil nakatanggap na sila ng mga taas sweldo nitong mga nakalipas na buwan.
Aniya sa kabila na panahon pa ni dating Pangulo Benigno Aquinoo III inaprubahan ang dagdag sweldo sa mga sundalo.
Gumawa naman daw ng paraan ang Pangulong Rodrigo Duterte para maipagpatuloy ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng pondo para rito.
Sinabi pa ni Arevalo na dahil sa dagdag na sweldo mas tumataas ang morale ng mga sundalo kaya naman nakakapagtrabaho ng maayos na syang dahilan ng pagtaas din ng satisfaction rating ng publiko sa AFP.