Manila, Philippines – Hindi pa tuwirang naniniwala ang NAGKAISA labor coalition sa ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na asahan ang maka manggagawa Executive Order na nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Araw ng Paggawa.
Ayon kay Partido Mangggagawa Chairman Rene Magtubo, parang sinabi ni Roque na kapag puti na ang uwak ay mangyayari na ito.
Aniya, naka limang draft na ang mga labor groups pero paulit-ulit na sinosopla ng mga employers at ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa pinakahuling labor-drafted EO, sinasang ayunan ng mga labor groups ang polisiya ng direct hiring. Gayunman, may exemption sa mga trabaho na puwedeng kontratahin alinsunod sa pag apruba ng labor secretary.
Muling hinamon ng grupo si President Duterte na magpakita na ng katatagang pampulitika na pirmahan ang EO na inihain ng Labor Coalition lalo pa at ito ay isa sa mabigat nitong campaign promise.