PANGAKONG NAPAKO? | EO na tuluyang ipagbabawal ang kontraktwalisasyon, bigong mapirmahan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Bigo si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Department of Labor and Employment Secretary Silvester Bello na mapirmahan ang ipinangako nilang Executive Order na tuluyang magbabawal sa kontraktuwalisasyon.

Ayon kay Bello, ang mga mambabatas at hindi ang DOLE ang may kakayahang ipagbawal ang kontraktuwalisasyon. Paliwanag ni Bello, lalamanin sana ng EO ang mas paghihigpit sa mga kompanya, contractor, at sub-contractor. Mas magiging malinaw rin aniya sana kung ano-anong mga trabaho ang papayagang maging kontraktuwal at hindi sa ilalim ng batas.

Nauna nang sinabi ng palasyo na hindi tinatalikuran ni Duterte ang pangakong tatapusin na ang endo sa mga trabaho. Dati na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na tinitimbang lang ni Duterte ang usapin at maiging pinag-aaralan ang panig ng mga manggagawa gayundin ang mga employer at mga namumuhunan sa negosyo sa bansa.


Facebook Comments