Manila, Philippines – Tinawag na anti-labor ni Albay Rep.Edcel Lagman ang hindi agad na pagtugon ni Pangulong Duterte sa mga pangakonito sa mga manggagawa sa bansa.
Ilan sa mga binitawan noon ng Pangulong Duterte aypagbasura sa contractualization o endo, dagdag na sahod at iba pang benepisyo.
Pero giit ni Lagman, hindi makakain ng mga empleyado angmotherhood statement na binitawan ni Pangulong Duterte matapos ang paggunita saLabor Day.
Aniya batid ng mga manggagawa ang kanilang karapatandahil nakapaloob ito sa konstitusyon at hindi na dapat itong ulit-ulitin pa ngPangulo.
Ang paghingi din ni Duterte ng mas maraming oras paratuparin ang mga ipinangako sa mga manggagawa gayong makakaisang taon na ito sapwesto ay malinaw na anti-labor.
Dagdag ni Lagman ang mas dapat na ibigay ng gobyerno aykonkretong benepisyo sa mga empleyado at manggagawa tulad ng wage increase,makataong kondisyon sa pagtatrabaho, security of tenure, at iba pang benepisyopara sa mga ito.
Pangakong napako ni Pangulong Duterte sa mga manggagawa, tinawag na anti-labor ng oposisyon
Facebook Comments