PANGAKONG NAPAKO? | Regalo ng Pangulo sa mga manggagawa para sa Labor Day bukas, hindi pa tiyak ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Wala pang maipangako ang Palasyo ng Malacañang kung mayroong good news o regalo si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga manggagawa bukas sa paggunita ng Araw ng Paggawa o Labor Day.

Matatandaan na isusulong ng mga grupo ng manggagawa na itaas sa 750 pesos ang minimum wage sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, magpupulong mamaya sina Pangulong Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello III, para pagusapan ang posibleng anunsyo para bukas o Labor Day.


Bukod kay Bello ay makakasama rin sa pulong sina Trade Secretary Ramon Lopez, Executive Secretary Salvador Medialdea, at Special Assistant to the President Secretary Bong Go.
Sinabi ni Roque na anuman ang magiging desisyon sa pulong ay iaanunsiyo ni Pangulong Duterte sa Mabolo, Cebu City, kung saan siya pupunta bukas.

Sinabi rin ni Secretary Go na magpapatuloy lang ang paghahanap ng gobyerno ng mga trabaho at pangkabuhayan ng mga Pilipino para maiangat ang buhay ng mga ito.

Facebook Comments