PANGAKONG TUTUPARIN | DENR Secretary Roy Cimatu, nangakong babawiin ang mga nawawalang wetlands ng Boracay

Aklan – Ipinangako ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na mabawi ang mga nawawalang wetlands ng Boracay island.

Ayon kay Cimatu, apat sa siyam na wetlands ng Boracay ang prayoridad sa recovery list ng ahensya.

Aniya, mayroon namang nakatayong residential at commercial structures sa apat na wetlands.


Ang mga dumi na nililikha ng mga istraktura ay dumidiretso sa main beach kapag nangyayari ang high tide.

Naghahanap ng ang DENR ng mga maayos ng relocation site para sa mga residenteng palilipatin.

Facebook Comments