Manila, Philippines – Inihain na rin sa Kamara ang panukala na nagbabawal
ng endo sa gobyerno.
Naninindigan ang MAKABAYAN Bloc na hindi lamang dapat sa pribadong sektor
ipinapatigil ang endo kundi pati sa mga kawani ng pamahalaan.
Sa House Bill 7415 layunin nitong pahintuin na ang endo sa burukrasya dahil
walang dapat na nabibiktima nito sa gobyerno.
Giit ng MAKABAYAN Bloc, kailangang masunod ang batas para ma-regular ang
mga karapat-dapat na empleyado.
Ito ay bilang pagsunod na rin sa pangako ni Pangulong Duterte noong
kampanya pa lamang na wawakasan ang endo sa bansa
Base sa datus, aabot sa 800,000 ang mga manggagawa sa gobyerno na
contractual at nakatalaga sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>