PANGAKONG TUTUPARIN | Pangakong panunumbalik ng presyong 27 at 32 kada kilo sa mga pamilihan sa buwan ng Mayo, manggagaling sa paparating na imported rice

Manila, Philippines – Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na manggagaling sa aangkating bigas ang ibabagsak sa buwan ng Mayo na 27 at 32 pesos kada kilo na bigas na ikakalat sa mga pamilihan sa buong bansa.

Itoy dahil sa umuusad na ang proseso ng importasyon ng 250,000 metric tons ng bigas para sa buffer stock ng pamahalaan.

Matapos ang pagreview sa terms of reference tungkol sa government-to-government importation, inaprobahan at nilagdaan na ito ni nfa administrator Jason Aquino nitong nakalipas na araw.


Naipadala na rin ang letters of invitation sa local embassies ng Vietnam at Thailand kung saan mayroong existing rice trade agreement ang Pilipinas.

Sinabi ni Aquino, itinakda na rin sa Abril 27 ang submission ng mga kinakailangang dokumento mula sa bidding countries para sa mga alok na presyo.

Aniya kapag natapos na ang proseso hanggang sa pag award sa winning bidder ng notice to proceed sa Mayo 7, maaari ng simulan ang shipment ng imported rice sa bansa.

Pagtaya pa ng NFA, aabutin ng 10 hanggang 15 araw ang shipment ng bigas bago dumating sa bansa.

Facebook Comments