Manila, Philippines – Palalakasin ni dating Manila Mayor Alfredo Lim ang seguridad ng Maynila sakaling muling mahalal bilang alkalde ng Maynila.
Sa ginanap na forum sa Samahang Plaridel sa Manila hotel inihayag ni Lim na aasikasuhin nito ang problema ng Peace and Order sa Manila upang mabawasan ang nangyayaring patayan at holdapan sa lungsod.
Paliwanag ng dating alkalde dapat ang mga Pulis Manila ay aasikasuhin ang kanilang trabaho at huwag matulog sa kanilang mga Police Station.
Iminungkahi rin ni Lim na dapat lahat ng intersection sa lungsod ng Maynila ay mayroong mga traffic enforcers dahil sa ngayon aniya ay wala siyang nakikita na mga police at enforcers na nagmamando ng trapiko sa bawat mga intersection sa lungsod.
Facebook Comments